Tagaytay bubuksan na sa mga turista

Tagaytay bubuksan na sa mga turista

MAAARI nang masamyo ng mga lokal na turista ang lamig at makapamasyal sa Tagaytay makaraang magdesisyon ang lokal na pamahalaan na buksan na ang mga tourist destination upang mapanumbalik na rin ang ekonomiya ng siyudad.

Ngunit ipinaalala ni Tagaytay City Administrator Gregorio Monreal na kailangang sumunod ng mga turista sa ipinatutupad na ‘minimum health standards’ tulad ng palagiang physical distancing, pagsusuot ng face masks at paghuhugas ng kamay habang nasa lungsod.

May madadaanan rin ang mga turista na mga checkpoints bago makarating sa paboritong destinasyon upang matiyak umano na pipirma ang lahat sa ‘health declaration forms’.

“Sa mga pupunta sa amin ay hindi na namin inoobliga (ang travel pass) ang kailangan lang ay mag-fill out ng health declaration forms,” ayon kay Monreal.

Nitong Setyembre 1, pinirmahan na rin ni Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino ang mga panuntunan para sa mga establisimiyentong magbubukas. Kabilang dito ang mga hotels na maaaring maglaman ng hanggang 50% ng kanilang kapasidad.

Maaaring makapasok ng siyudad ang mga pribadong sasakyan kung susunod ang mga sakay nito sa physical distancing sa loob ng behikulo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: