Water interruption tatagal hangang Setyembre 9

Water interruption tatagal hangang Setyembre 9

TATAGAL pa hanggang Setyembre 9 (Miyerkules) ang nararanasan ngayong water interruption sa ilang mga bahagi ng Quezon City at Valenzuela City na siniserbisyuhan ng Maynilad.

Nagsimula ito noong Biyernes, Setyembre 4 at apektado ang tinatayang 166,000 kabahayan na kanilang siniserbisyuhan.

Kabilang sa mga lugar sa Quezon City na patuloy na mawawalan ng tubig ang: Bagong Silangan; Batasan Hills; Commonwealth; Greater Fairview; North Fairview; Payatas; Holy Spirit; Sta. Monica; Bagbag; San Bartolome; Nagkaisang-Nayon; San Bartolome; Sauyo; Sta. Lucia at Talipapa.

Sa Valenzuela City naman nating ang barangay Ugong ang mawawalan ng tubig.

Paliwanag ng Maynilad, nagkaroon ng pagtagas ng tubig sa isa sa kanilang pump sa loob ng kanilang La Mesa Dam Compound kaya kinakailangan munang itigil ang serbisyo sa ilang lugar.

Kailangan umano kasing patuyuin ang motor na bumubomba ng tubig na tumatagal ng hangang limang araw bago muling magamit.

Uminit naman ang ulo ang mga kustomer ng Maynilad dahil sa kailangang-kailangan umano nila ng tubig para pang-hugas ng kamay lalo ngayong panahon ng pandemya kung kailan ipinapayo ng pamahalaan na palagian na maging malinis para ligtas sa virus.

Leave a Reply

%d bloggers like this: