Air Asia, may ‘buy one, take one’ promo

Air Asia, may ‘buy one, take one’ promo

INIHAYAG ng AirAsia ang kanilang ‘buy one, take one” flight promo para sa mga miyembro ng kanilang BIG frequent flyer program.
Batay sa promo, ang mga BIG member ay makapagpapa-book ng one-way tickets for 2 persons sa ilang destinasyon mula P1,022 “all in”.
Itinakda ang booking period mula Sept. 7 hanggang 13 para sa biyaheng mula Jan. 1 hanggang Oct. 31 ng susunod na taon.
Kabilang sa mga destinasyon ang Cebu, Cagayan de Oro, Caticlan, Davao, Iloilo, Tacloban at ilan pang lalawigan.
Habang sa International destinations kasama ang Bali, Seoul, Taipei, Kuala Lumpur at iba pa.
Pinayuhan naman ng kumpanya ang kanilang mag kliyente na tignan din ang COVID-19 restrictions at policies sa pipiliing destinasyon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: