Dolomite sand sa Manila Bay, mapanganib- DOH

Dolomite sand sa Manila Bay, mapanganib- DOH

MISMONG ang Department of Health (DOH) na ang nagsabi na may masama umanong epekto sa kalusugan at maaaring magkaroon ng problema sa ‘respiratory system’ ang pagkakalanghap ng buhangin ng dolomite na itinatambak ngayon sa baybayin ng Manila Bay.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may mga pag-aaral na at medical literature ukol sa dolomite na kapag nalahanghap ay may “adverse reaction” sa respiratory system.
“Based on studies and medical literature, it can cause respiratory issues to a person. Kapag napunta sa mata, magkakaroon ng kaunting irritation. Kapag na-ingest, magkakaroon ng gastro-intestinal discomfort, pagkakasakit ng tiyan at pagtatae…ito iyong mga minor effects,” ayon kay Vergeire.
Sa kabila nito, sinabi ni Vergeire na bahala na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magdetermina kung tamang hakbang ang paglalatag ng buhangin mula sa dolomite na nagkakahalaga ng higit P389 milyon habang nasa pandemya ang bansa.
Ito ay sa kabila ng katwiran ni DENR Undersecretary Benny Antiporda, isang dating mamamahayag, na ligtas ang dolomite na bumubuo rin sa mga coral sa karagatan.
Tinawag naman ni Manila apostolic administrator Bishop Broderick Pabillo na mali ang “timing” ng paggastos ng DENR ng higit P389 milyong pondo habang dumaranas ang maraming Pilipino ng gutom at milyon-milyon ang kasalukuyang walang trabaho.
“During these times, wherein many are without jobs and have no food to eat, this project amounting to over P300 million just for the ‘white sand’ appears to be ill-timed,” ayon kay Pabillo.
Naniniwala ang obispo na dapat ginamit na lamang ang pondo sa alokasyon para sa mga proyekto para matulungan ang mga nangangailangan habang ang dolomite sands ay aanurin rin naman kapag may tumamang malakas na bagyo sa bansa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: