Pangako ng DITO Telecommunity na mas mabilis na internet, nagkaproblema kaagad

Pangako ng DITO Telecommunity na mas mabilis na internet, nagkaproblema kaagad

TILA hindi matutupad ng DITO Telecommunity ang pangako ng mas mabilis na internet connection sa Pilipinas makaraan na hindi na maipagpatuloy ang ‘underwater cable project’ nito dahil sa isyu ng seguridad.
Ito ay makaraan na hindi na itinuloy ng Facebook Inc. at Google ang plano na ikonekta ang United States at Hong Kong sa pamamagitan ng underwater cable, ayon kay University of the Philippines (UP) Professor Glen Imbang.
Umatras ang dalawang malaking kumpanya sa proyekto dahil sa dadaan ang kable sa Pilipinas at Taiwan at may pangamba na magamit ng China ang mga ito para makakalap ng impormasyon laban sa US.
“If Dito will opt to build its own submarine cable, then it’s the rollout timeline that will be (put in peril),” ayon kay Imbang.
May mga ulat naman sa ibayong dagat na magpapatuloy pa rin ang proyekto ng Facebook at Google ngunit hindi na kasama dito ang Pacific Light Data Communication Co. na nakabase sa Hong Kong.
Una nang inihayag ng DITO na pag-aari ni Dennis Uy habang ang 40 shares nito ay pag-aari ng mga China Telecom, na magkakaroon sila ng techical launch sa Enero 2021 at mag-uumpisa na ng operasyon sa merkado sa Marso 2021.  Ngunit humiling na rin ang DITO sa pamahalaan ng 6-month postponement sa kanilang technical launch.
Nangako si Uy na magkapagbibigay ng 27MBPS sa kanilang mga kustomer at magkakaroon ng 37% network coverage sa bansa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: