PNP, binalaan sa monitoring sa social media sa quarantine violators

PNP, binalaan sa monitoring sa social media sa quarantine violators

INALMAHAN ng dalawang senador ang plano ng Philippine National Police (PNP) na magmonitor ng social media upang mabantayan ang mga lumalabag sa quarantine protocols.
Binalaan pa ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang PNP na posibleng maharap sa kaso kung itutuloy ang kanilang plano.
“I think it will be very difficult to enforce properly. They will be open to harassment charges if they (PNP) err,” saad ni Sotto.
Pinayuhan naman ni dating PNP chief at ngayo’y Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang pambansang pulisya na lumabas sa kalsada at higpitan ang pagpapatupad ng quarantine protocols.
“They (PNP) better go out on the streets and implement proactively the quarantine protocols and leave the social media to the after the fact bashers,” reaksyon ni dela Rosa.
Una nang inihayag ni Joint Task Force COVID Shield chief, Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar na regular na imomonitor ng PNP ang iba’t ibang social media platforms sa pagtugis sa mga quarantine violators sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: