10 pang ruta ng traditional jeep, binuksan

10 pang ruta ng traditional jeep, binuksan

MAHIGIT isanlibo pang traditional jeepneys ang papayagan nang makabiyahe sa pagbubukas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng dagdag na ruta.
Inaprubahan ng LFTRB ang pagbubukas ng 10 pang ruta para sa 1,006 authorized simula ngayong araw na ito, September 9.
Alinsunod sa Circular 2020-043 ng LTFRB, bukas na rin ang mga sumusunod na ruta:
1. EDSA/North Ave. – Quezon City Hall
2. Marcos Ave. – Quirino Highway via Tandang Sora
3. Dapitan – Libertad via L. Guinto
4. Divisoria – Retiro via JA Santos
5. Divisoria – Sangandaan
6. Libertad – Washington
7. Baclaran – Escolta via Jones, L. Guinto
8. Baclaran – QI via Mabini
9. Blumentritt – Libertad via Quiapo, Guinto
10. Blumentritt – Vito Cruz via L. Guinto
Ipinaalala ng LTFRB na tanging roadworthy traditional jeepneys ang papayagang bumiyahe kahit walang special permit, subalit dapat may special QR code at susunod sa health protocols.

One thought on “10 pang ruta ng traditional jeep, binuksan

  1. Paano naman kami mga byaheng San Juan kalentong gutom na po kami my mga pamilya din po kmi at na ngongopahan din wala nba kau kunting awa.bakit San Juan cubao at San Juan crame at San Juan Rosario nkka byahe na sila.sila Lang ba ang kumakain at my pamilya?

Leave a Reply

%d bloggers like this: