16 toneladang smuggled products, glutathione wasak

16 toneladang smuggled products, glutathione wasak

PARA hindi na maipuslit at mapakinabangan pa ng mga kawatan, winasak na lamang ng Bureau of Customs ang nasa 16.03 toneladang mga produkto tulad ng mga gamot, herbal product, beauty products at iba pa sa kanilang condemnation facility sa Trece Martirez, Cavite.
Sinabi ni District Collector Carmelita M. Talusan, na isinagawa ang pagsira sa mga produkto nitong Setyembre 3-4 dahil sa mapanganib na sa kalusugan ng tao kung sakaling mapunta sa merkado at magamit ng mga konsyumer.
Kabilang sa mga produktong sinira ang nasa 52 kahon o 260 kilo ng expired na glutathione products.
“The expired glutathione products were assessed to be unsafe for consumer use and must be properly disposed of through condemnation to protect the public,” ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Isang uri ng antioxidant ang glutathione na ginagamit lalo na ng mga Pilipino na pampaputi ng balat.  Ngunit base sa ilang pag-aaral, kapag ginamit ng lagpas sa expiration date ay magdudulot lang ng posibleng dagdag na problema sa kalusugan.
Tuly-tuloy umano ang pagbabantay ng BOC laban sa pagpasok ng mga produkto na walang kaukulang permit buhat sa ibang regulatory bodies ng bansa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: