Mga Chinese company na blacklisted, dapat salain ng Pilipinas- DND

Mga Chinese company na blacklisted, dapat salain ng Pilipinas- DND

NANINIWALA si Department of National Defense (DND) na dapat salaing mabuti ang mga kumpanyang pag-aari ng mga Chinese bago tuluyang makapasok sa Pilipinas upang makatiyak na hindi banta ang mga ito sa bansa.
Sa budget hearing ng DND sa Kongreso kahapon, ipinayo ni Lorenzana kay Pangulong Rodrigo Duterte na alamin munang mabuti kung hindi banta sa kasarinlan ng Pilipinas ang mga Chinese company na pinapayagan niyang makapasok lalo na ang mga na-blacklist ng ibang bansa.
“I think the advice that we can give maybe to the President is to properly screen these companies before they can conduct business here. But as I said a while ago, the President has already decided that they can continue their project here. All we can do is to be very very sure that their entry in our territory will not endanger our sovereignty,” ayon kay Lorenzana.
Sa kabila nito, wala na rin umanong epekto ang kaniyang payo dahil sa pumayag na ang Pangulo na ituloy ang proyekto sa mga Chinese contractors na unang inilagay sa ‘blacklist’ ng Estados Unidos.
Samantala, plano naman ni Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin Jr. na irekomenda kay Duterte ang terminasyon ng pinasok na kontrata sa mga Chinese firms na siya ring mga nagtayo ng mga military facilities ng China sa mga pinag-aagawang isla sa South China Sea.
Kabilang sa mga kumpanyang ito ang China Communications Construction Company (CCCC).
Sinabi naman ni Cavite Governor Jonvic Remulla na handa siyang i-terminate ang kasunduan sa CCCC sa Sangley Airport Development Project kung makikita na banta talaga sila sa seguridad ng bansa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: