Mga negosyo tuwing Undas sa Maynila, lugi

Mga negosyo tuwing Undas sa Maynila, lugi

WALANG aasahang kita ang mga negosyante na nagtatayo ng negosyo tuwing Undas sa Maynila makaraang ipag-utos ni Mayor Isko Moreno ang pagpapasara sa lahat ng sementeryo sa darating na Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3.
Pinirmahan ni Moreno ang Executive Order No. 38 na nag-uutos sa pagpapasara sa mga pampubliko at pribadong mga sementeryo, kolumbaryo, at memorial parks.
Tanging mga ‘cremation services’ at pagpapalibing lamang ang papayagan sa naturang mga araw ngunit kailangan pa ring sumunod sa itinakdang minimum health protocols.
“Kaya ko po ito ginagawa ngayon, para mabigyan kayo ng sapat na panahon ng humigit kumulang dalawang buwan na mabisita ang inyong mga mahal sa buhay na nahimilay sa mga pribado at pampublikong sementeryo,” paliwanag ni Moreno.
Pangunahing sementeryo sa Maynila ang Manila North Cemetery na may 105,837 puntod at dinadagsa ng nasa 1.5 milyong bisita at ang Manila South Cemetery na may 39,228 puntod at may 800,000 bisita tuwing Undas.
Dahil dito, nagkakaroon ng matinding siksikan lalo na sa pagpasok sa naturang mga libingan kaya mahihirapan nang maipatupad ang ‘physical distancing’.

Leave a Reply

%d bloggers like this: