Pinakamurang bakuna bibilhin ng Pilipinas- Duterte

Pinakamurang bakuna bibilhin ng Pilipinas- Duterte

PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilhin na lamang ang pinakamurang bakuna na malilikha ng ibang mayayaman na bansa dahil sa katwiran na pare-pareho lamang umano ang magiging epekto nito.
“It’s there. I think it’s Moderna, it is a US company, I think they are ready by September. . . . Sinovac, China is also ready,” ayon kay Duterte sa kaniyang televised address nitong nakaraang Lunes.
“Kung sino magbigay ng mura dun tayo pupunta. We know we don’t have much money, kung mahal masyado, we will go for the less expensive ones,” paliwanag niya.
Sa ilalim ng panukalang Bayanihan to Recover as One Act, nasa P10 bilyong pondo ang ilalaan para maging standby fund para sa pagbili ng COVID-19 vaccine at para sa patuloy na testing.
Ang pahayag ni Duterte ay isang natatanging paglihis sa pagpabor niya sa mga produkto ng China.
Iginiit pa rin ng Pangulo na may “economic hemorrage” ang Pilipinas kaya posibleng umutang siyang muli sa Russia o sa China.

Leave a Reply

%d bloggers like this: