Bibilhing COVID vaccine, mura pero dapat ligtas- DOH

Bibilhing COVID vaccine, mura pero dapat ligtas- DOH

IPINUNTO kahapon ng Department of Health (DOH) na bukod sa pagiging mura, dapat ring ikunsidera na ligtas at totoong epektibo ang bibilhing COVID-19 vaccine ng pamahalaan.

Sa isang online forum, nilinaw pa ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bagamat mahalaga ring basehan ang presyo, kinakailangang ang potensiyal na bakuna laban sa COVID-19 na bibilhin nila ay dapat na may clearance muna ng World Health Organization (WHO) at ng mga regulatory agencies sa Pilipinas.

“Ang gusto po natin ay iyong pinakamabisa for our population. Bago tayo bumili ng bakuna, dapat masigurado natin ‘yung safety at efficacy. Kaya nga po tayo bumuo pa ng vaccine expert panel under Department of Science and Technology to ensure this,” paliwanag pa ni Vergeire.

Dapat rin aniyang rehistrado ang bakuna sa Food and Drug Administration at na-cleared ng Philippine National Drug Formulary, Health Technology Assessment Council.

“Dapat po ang bakuna, pre-qualified po ng WHO kasi tedious na po ang pre-qualifications ng WHO. So this is another layer of safeguard. Dapat po may clearance from international and reputable institutions abroad,” aniya pa.

“Iyong presyo will always matter, pero kung may makita po tayo na pinakamura na safe at effective, iyan po ang objective rin natin,” aniya pa.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang bibilhin ng bansa ay yaong pinakamurang anti-COVID-19 vaccine dahil pare-pareho lamang naman aniya ang epekto ng mga ito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: