Pekeng BIR enforcer na nangongotong sa mga negosyante, tiklo

Pekeng BIR enforcer na nangongotong sa mga negosyante, tiklo

ISANG lolo na nagpapanggap na enforcer ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para makapangotong sa mga negosyante ang dinakip ngmga tauhan ng Manila Police District (MPD) nang ireklamo ng isang negosyanteng Tsinoy sa Binondo nitong nakaraang Martes ng hapon.

Kinilala ang nadakip na si Vicente Alberto, alyas “Vic”, may-asawa, walang trabaho at nakatira sa No. 234-D, 5th Avenue, Gracepark, Caloocan City.

Sa ulat ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team, unang nagsampa ng reklamo sa kanila si Adonis Tan, 57-anyos, may-ari ng PENCO Incorporated sa may No. 474 Elcano Street, San Nicolas, Binondo, ukol sa pangongotong sa kanila ng suspek.

Isinalaysay ni Tan na nagtungo sa kanilang kumpanya si Alberto na nagpakilalang Revenue Enforcement Officer III ng BIR at inakusahan sila na hindi nagbabayad ng tamang buwis. Nanghingi umano ang suspek ng P25,000 para maisyuhan ang kanilang kumpanya ng BIR Clearance Certificate.

Agad na nagtungo ang mga pulis sa kumpanya ni Tan kung saan inabutan si Alberto na nagpakita ng BIR ID sa ilalim ng pangalan na “Vicente A. Alberto” at mga “mission order/BIR Clearances” na umano’y mga peke. Nang tawagan ng mmga pulis ang BIR, dito nadiskubre na hindi siya empleyado ng BIR dahilan para ipatupad ang pag-aresto sa kaniya.

Nakaditine ngayn ang suspek sa MPD-SMART Custodial Jail at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Article 177 (Usurpation of Authority), Article 172 (Falsification of Documents) at Article 315 (Estafa/Swindling) ng Revised Penal Code sa Manila City Prosecutor’s Office.

Leave a Reply

%d bloggers like this: