Sen. Revilla, mamimigay ng tablet sa mga estudyante

Sen. Revilla, mamimigay ng tablet sa mga estudyante

AABOT sa 1,000 estudyante ang mabibiyayaan ng regalo ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa kanyang ika-54 na kaarawan sa September 25 sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga tablets na magagamit sa distance learning.

Inanunsyo ni Revilla na bahagi ng kanyang programang Karunungan Ating Palaguin, mamahagi siya ng 1,000 gadgets bukod pa sa iba pang regalo mula naman sa kanyang mga sponsor.

Bukod pa rito, nangako ang senador na gagamitin din ang kanyang kita mula sa mga social media accounts bilang premyo sa isasagawa rin nitong raffle.

Kasabay nito, pinasalamatan ng senador ang kanyang mga tagasuporta at lahat ng mga nanalangin upang makarekober makaraang tamaan ng Covid19 habang nagpasaring sa kanyang mga bashers.

“At doon po naman sa mga bashers ko na pinananalangin pong ako’y mamatay, pinapatawad ko na po kayo. Wala po sa akin ‘yun. Alam ko pong trabaho lamang ‘yan, may nagpapa-bash para sa akin. Pero okay lang po ‘yun. Pero sana po ay isipin nyo rin na may karma, baka kayo ang balikan ng karma. Kayo din ang mahihirapan dahil mahirap po magkasakit,” pahayag ni Revilla.

Kasabay nito, hinikayat ni Revilla ang mga Covid19 patients na lakasan lamang ang kanilang look at malalagpasan din ang anumang pagsubok.

Leave a Reply

%d bloggers like this: