ABS-CBN, wala nang babalikang frequencies?

ABS-CBN, wala nang babalikang frequencies?

POSIBLENG tuluyan nang hindi makabalik sa kanilang tahanan ang ABS-CBN network makaraang bawiin na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng frequencies at channels na itinalaga sa kanila.
Sa desisyon ng NTC, isinaad ang pag-recall sa lahat ng CBN’s radio at TV stations ng Kapamilya network dahil sa kawalan ng balidong legislative franchise
“Consequently, absent a valid franchise, the recall of frequencies assigned to the Respondent is warranted,” diin ng NTC
Matatandaang noong May 5, nagpalabas ang NTC ng cease and desist order laban sa kumpanya matapos na hindi pagbigyan ng Kamara ang hiling na renewal ng kanilang prangkisa.
Noon namang June 30, nagpalabas ng bagong cease and desist order ang NTC laban naman sa digital TV transmission ng ABS-CBN sa Metro Manila gamit ang Channel 43.
“Indubitably, the denial of Respondent’s franchise renewal application by Congress, coupled with the denial of Respondent’s Petition by the Supreme Court, lead to no other conclusion except that Respondent had already lost the privilege of installing, operating, and maintaining radio broadcasting stations in the country,” diin pa ng NTC.
Binawi na rin ng NTC ang lahat ng provisional authorities at certificates of public convenience na ibinigay sa ABSCBN.
“In addition, Respondent’s pending applications/petitions before the Commission are hereby dismissed/denied,” giit pa sa kautusan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: