Direktang pagbili sa mga ani ng magsasakang Pinoy, unahin ng mga LGU

Direktang pagbili sa mga ani ng magsasakang Pinoy, unahin ng mga LGU

SA halip na mga imported, nanawagan si Department of Agriculture Secretary William Dar sa mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan sa bansa na unahin ang direktang pagbili sa mga ani ng mga magsasakang Pinoy tulad ng mga palay.
Sinabi ni Dar sa mga  gobernador ng mga “top rice- at corn-producing” na mga probinsya na tulungan din ang pamahalaan na patatagin ang presyo ng mga pagkain sa kanilang mga lugar.
“As the country’s rice farmers start reaping this year’s main rice crop, we count on the continued support of our ‘food security czars’ in partnership with farmers nationwide. ” ayon sa kalihim.
Ang direktang pagbili ng mga LGUs sa farm produce ng mga magsasaka lalo na ang palay ay malaking tulong sa kanila para may tiyak ng kita at may sapat na suplay ng bigas para sa kanilang mga lokalidad.
Partikular na nananawagan si Secretary Dar sa mga provincial governors ng  mga lalawigan ng Nueva Ecija, Isabela, Pangasinan, Cagayan, Iloilo, Camarines Sur, Tarlac, Negros Occidental, Maguindanao, Bukidnon, North Cotabato, at Leyte.
May mahigit 9.74 million metric tons (MMT) ng palay produce noong nagdaang taon ang naturang mga probinsya.
Maaari naman umanong umutang ang mga gobernador sa Land Bank of the Philippines para makabili ng palay mula sa kanilang mga magsasaka maging ang pagbili ng mga kailangang  farm machineries at post-harvest facilities para sa mga bukid.

Leave a Reply

%d bloggers like this: