Meralco, may bawas sa singil ngayong buwan

Meralco, may bawas sa singil ngayong buwan

INANUNSYO ng Manila Electric Co. (Meralco) na may kaunti silang tapyas sa singil sa kuryente ngayong buwan ng Setyembre.
Ito na ang ika-limang sunod na nagbawas ng singil ang Meralco sa kanilang serbisyo.
Sa advisory, mababawasan ng 6.23 centavos bawat kilowatt-hour o magiging P8.4288 per kWh ang singil ngayong buwan kumpara sa P8.4911/kWh noong Agosto.
Nangangahulugan ito na nag mga kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan ay may bawas sa bayarin na P12.
Ayon sa kumpanya, ang singil ngayong Setyembre ang pinakamababa sa loob ng nakalipas na tatlong taon.
Pangunahing dahilan nito ang pagbagsak sa demand dahil na rin sa COVID 19 pandemic.

Leave a Reply

%d bloggers like this: