Pesonal Protective Equipments (PPES), gawing Prime Commodity

Pesonal Protective Equipments (PPES), gawing Prime Commodity

MAY posibilidad na makasama na ngayong “new normal” ang mga personal protective equipments (PPEs) kabilang ang face masks at shields sa mga “prime commodities” nang makalusot na sa komite ng Kongreso ang panukalang amiyendahan ang ilang probisyon ng Price Act.
Apat na panukalang batas ang naihain sa House Committee on Trade and Industry (DTI)  upang amyendahan ang Republic Act No. 7581 o ang Price Act, para madagdagan ang bilang ng mga produktong ikinokonsidera bilang basic necessities at prime commodities.
Nakasaad sa House Bill No. 6658 ang panukala na isama ang PPEs tulad ng face mask, safety goggles at medical devices bilang prime commodities at magpataw ng price control measures para sa mga produktong ito sa panahon ng public health emergency tulad ng krisis sa COVID 19.
Sinabi ni Department of Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo na napapanahon ang nasabing amiyenda dahil taong 1992 pa nang unang isulong na mabago ang ilang mga probisyon sa Price Act.
Nakasaad  sa nasabing batas na maaari lamang magamit ang price control kapag nasa ilalim ng state of calamity, state of emergency, suspension ng writ of habeas corpus, martial law at rebelyon.
Samantalang idinagdag naman sa listahan ng basic necessities ang alcohol, sanitizer, disinfectants, infrared body thermometer, personal protective equipment o PPE gaya ng face masks, gloves, cover-all, hair caps, shoe cover at goggles.
Pinag-aaralannaman ng DTI na isama sa Price Act ang regulasyon sa presyo ng laptop computers at iba pang gadgets na kailangan ngayong may “online learning” ang mga paaralan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: