Pondo ng DPWH flood control projects, mas malaki pa sa DOH budget

Pondo ng DPWH flood control projects, mas malaki pa sa DOH budget

SINITA ni Senador Grace Poe ang multi-billion peso allocation para sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mas malaki pa sa ipinapanukalang budget ng Department of Health (DOH).
“Since COVID-19 is still present, one would assume that including our health facilities would be the priority,” saad ni Poe sa briefing ng economic managers sa mga senador hinggil sa proposed 2021 budget.
“Bakit malaki ang funding ng flood control projects ng DPWH sa buong budget ng DOH? I just want to clarify kasi ang pondo ng DOH ay P131.22 billion, pero ang pondo ng DPWH for flood control projects ay at least P150 billion,” diin ni Poe.
Tiniyak din ng senador na bubusiin pa nito ang detalye ng mga proyekto sa pagdinig ng DPWH budget.
“Environmental factors should not be neglected and there are really some legitimate flood control projects. But there are a few flood control projects that are questionable because it’s hard to keep track of them if they were really done,” diin pa ni Poe.
Ipinaalala ng mambabatas na nasa gitna ng pandemya ang bansa na nangangailangan ng maayos na pagrespinde sa pangangailangan sa kalusugan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: