Full cashless transaction sa expressways, ipatutupad sa Nobyembre

Full cashless transaction sa expressways, ipatutupad sa Nobyembre

TARGET ng toll companies na ipatupad na ang full cashless transaction sa mga expressway simula sa Nobyembre 2.
Dahil dito, hinihikayat ang lahat ng motorista na magpakabit na ng Radio Frequency Identification (RFID) sticker na kailangan para sa “cashless toll payment”.
Unang inihayag ng toll companies na kailangan nang ipakabit ang RFID system, sa harap ng pagdami ng mga toll teller o mga nagbabantay ng mga toll na nahawahan na ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Magagamit ang mga sticker sa North Luzon Expressway, Cavite-Laguna Expressway, C5 Link, Subic – Clark – Tarlac Expressway, at Manila–Cavite Expressway.
Maaaring makuha ang RFID stickers sa mga toll plaza at mga convenience stores at maaaring mabili online ang load.
Kapag RFID na ang gamit, 3 segundo lang ang itatagal ng transaksyon sa kada toll booth.
Hamon ngayon sa mga toll operator kung paano mahihimok ang mga motorista na magpakabit ng mga RFID Sticker lalo’t inaasahan na dadagsa muli ang mga motorista sa mga toll plaza pagdating ng Undas.
Magtatalaga ang toll operators ng ground personnel sa mga toll booth para tulungan ang mga motoristang hindi pa nakakabili ng RFID sticker.

Leave a Reply

%d bloggers like this: