Hotel operations sa GCQ areas, pinayagan na

Hotel operations sa GCQ areas, pinayagan na

PINALUWAG na ng government task force ang protocols sa hotel operations sa mga lugar na isinailalim na sa general community quarantine (GCQ).
Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force ang mga hotel at mga kahalintulad na establishment na tumanggap ng mga guest sa ilalim ng programa ng Department of Tourism (DOT).
Ang naturang aksyon ay upang unti-unti nang mabuhay ang ekonomiya ng bansa makaraang isa sa matinding tinamaan ng pandemya ang tourism industry.
Una nang pinayagan ng gobyerno ang operasyon ng mga hotel sa mga GCQ areas subalit para lamang sa may matatagal nang booking.
Nilinaw naman ng IATF na para lamang ito sa mga establisiyimento na mayroong certificate of authority to operate ng tourism department.
Limitado rin sa accommodation ang serbisyo ng mga hotel.
“T​he operation of ancillary establishments within the premises, such as restaurants, cafes, bars, gyms, spas, and the like, shall be governed by these Omnibus Guidelines and other issuances of relevant national agencies,” diin ng task force

Leave a Reply

%d bloggers like this: