Landowners, binalaan sa mga nagpapakilalang tauhan ng DITO Telecommunity

Landowners, binalaan sa mga nagpapakilalang tauhan ng DITO Telecommunity

NAGBABALA ang DITO Telecommunity Corporation sa publiko laban sa mga mapagsamantalang indibidwal na magpapanggap na binigyan nila ng awtoridad para sa anumang transaksyon.
Ipinaalala ng kumpanya na ang pagtatayuan ng kanilang mga infrastructure at telecommunications facilities ay natukoy na batay sa isinasaad sa batas.
Sa public advisory, sinabi ng DITO na ang lokasyon ng itatayo nilang towers, base stations, at iba pang istruktura ay kasama na sa kanilang plano na isinumite sa gobyerno bago nag July, 2019.
“We wish to assure the public that anyone caught misrepresenting themselves as employees or representatives of DITO Telecommunity or any of its Vendors will be prosecuted to the fullest extent of the law,” the company said.
Sinabi ng DITO na apat lamang ang kanilang authorized representatives na kinabibilangan ng Huawei para sa North Luzon at National Capital Region, ZTE para sa South Luzon at sa Visayas, at Nokia-Huaxin for Mindanao gayundin ang Udenna Infrastructure Corp.
“These Vendors and their agents have been provided authorization letters and identification. DITO has disclosed the identities of these Vendors and their agents to the respective local government units,” pahayag pa ng kumpanya.

Leave a Reply

%d bloggers like this: