Libreng cremation, urn sa Makati

Libreng cremation, urn sa Makati

NAGKATAKDANG magbigay ang Pamahalaang Lungsod ng Makati ng libreng cremation at maging urn para sa mga pumanaw na residente ng siyudad.
      Ito ay sa oras na maitayo na ang Makati Columbarium sa darating na Oktubre sa may Makati Catholic cemetery.
      Layon nito na tulungan ang mga mahihirap na pamilya na nakatira sa Makati sa gastusin sa punerarya sa pagbibigay sa kanila ng alternatibong uri ng paglilibingan sa kanilang nasawing mahal sa buhay.
     “Through this project, the bereaved family of Makatizens need not worry anymore about expensive funeral services, and we will adequately address the need for more burial space within the city,” ayon kay Mayor Abigael Binay.
     Sa pamamagitan ng libreng cremation at inurnment service sa Columbarium, matitiyak na magkakaroon ng marangal na libingan ang mga papanaw na taga-Makati kahit ano ang estado sa lipunan.
      May dalawang gusali ang Columbarium na magkakaroon ng chapel, viewing areas, cremation areas at tinatayang 14,784 urn vaults.  Itinatayo ito sa may Kalayaan Avenue kung saan nakatirik ang dating sementeryo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: