Mag-ingat sa mga nagkalat na pekeng Vitamin C

Mag-ingat sa mga nagkalat na pekeng Vitamin C

PANAWAGAN ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga konsyumer na mag-ingat sa pagbili ng mga posibleng nagkalat na mga pekeng Vitamin C makaraang masamsam ang kahon-kahong pekeng bitamina sa isang condominium unit sa Tondo, Maynila nitong Biyernes ng hapon.
      Nabatid na unang dumulog sa NBI-Intellectual and Property Rights Division (IPRD) ang mga opisyales ng JPMC Health Care Product and Trading Corp. na may nakabase sa Pasig City ukol sa ginagawang pamemeke sa kanilang mga produkto.
      Matapos ang isinagawang paniniktik at nang makakuha ng search warrant sa korte, isinagawa ang pagsalakay dakong alas-2 ng hapon sa isang condominium building sa may Vicas, Tondo, Maynila.
      Isang hindi pa pinangalanang suspek ang inabutan sa condo unit ang dinakip sa operasyon kung saan nasabat ang kahon-kahon ng iba’t ibang produkto kabilang ang mga kapsula ng Vitamin C, mga food supplements, sabon, mga beauty products na pampaputi ng bala at maging mga kape.
      Sa pakikipagkoordinasyon ng NBI, nabatid sa Food and Drugs Authority (FDA) na walang kaukulang permit ang naturang mga produkto para maibenta sa merkado sa bansa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: