Physical distancing rule sa mga pampublikong sasakyan, niluwagan

Physical distancing rule sa mga pampublikong sasakyan, niluwagan

SA layuning mapataas ang kapasidad para sa mga pasahero, inprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang proposal ng Economic Development Cluster (EDC) at ng Department of Transportation (DOTr) na luwagan na ang “physical distancing rule” sa mga pampublikong sasakyan.
      Inamin ni DOTr Secretary Arthur Tugade na may malaking pangangailangan ngayon na mapataas ang kapasidad para sa mas maraming pasahero ng mga pampublikong sasakyan dahil sa pagbabalik na ng operasyon ng maraming kumpanya at negosyo.
      Mula sa dating isang metrong layo, ibababa ito sa .75 metro sa Setyembre 14 saka muling ibababa sa .5 metro matapos ang dalawang linggo hanggang .3 meters sa mga susunod pang linggo.
      Ligtas na umano na pababain ang layo sa physical distancing dahil sa mahigpit naman ang pagpapatupad ng panuntunan na palagiang magsuot ng face mask at face shield habang nasa loob ng sasakyan ang mga pasahero.
      Bukod dito, mahigpit na ipinagbabawal rin ang paggawa o pagsagot sa tawag sa telepono at pagkain sa loob ng pampublikong sasakyan.
      Ipatutupad rin ang bagong panuntunan sa physical distancing sa mga rail system tulad ng LRT, MRT at PNR.

Leave a Reply

%d bloggers like this: