89 Kapitan ng Barangay, sinuspinde dahil sa SAP irregularities

89 Kapitan ng Barangay, sinuspinde dahil sa SAP irregularities

PINATAWAN ng anim na buwang preventive suspension ng Ombudsman (OMB) ang 89 kapitan ng barangay dahil sa mga iregularidad sa pamamahagi ng 1st tranche ng Social Amelioration Program (SAP).
Agad namang inatasan ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga alkalde na nakakasakop sa mga kapitan na ipatupad ang suspensyon.
Ang mga kapitan ng barangay ay ipinagharap ng mga kasong serious dishonesty, grave misconduct, abuse of authority, at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Ayon kay DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya, ang suspensyon ay bahagi lamang ng kanilang mga hakbangin upang masawata ang katiwalian.
Sinabi ni Malaya na sa kabuuan, naghain ang PNP-CIDG ng kasong kriminal laban sa 447 indibidwal kaugnay sa mga iregularidad sa implementasyon ng  SAP.
Pinakamarami sa mga sinuspinde ay mula sa Region 1, Metro Manila, at Region 2 habang ang Cordillera Administrative Region at Caraga ay may pinakamababang bilang.

Leave a Reply

%d bloggers like this: