Dagdag na 1k na traditional jeep, maaari nang bumiyahe sa Lunes

Dagdag na 1k na traditional jeep, maaari nang bumiyahe sa Lunes

INAPRUBAHAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbubukas ng 28 karagdagang ruta, na may kabuuang bilang na 1,159 authorized traditional jeepney units sa Metro Manila simula Lunes, September 14.
Base sa Memorandum Circular 2020-046, ang mga karagdagang rutang magbubukas simula Lunes ay ang mga sumusunod:
T140 Araneta University – Victoneta Ave./McArthur
T141 SM North EDSA – Luzon Ave. (Puregold)
T142 Balintawak – PUC via Baesa
T143 BF Homes – Novaliches
T144 Novaliches – Bignay
T145 Novaliches – Pangarap Village via Quirino Highway, Novaliches
T146 Novaliches – Shelterville via Congressional
T147 – Novaliches – Urduja
T148 Novaliches Town Proper – Barangay Deparo
T149 Grotto, San Jose Del Monte, Bulacan – Novaliches
T240  Aurora/Lauan – EDSA North Ave.
T241 Cubao – Proj. 2&3 via 20th Ave., P. Tuazon
T242 Calumpang – LRT 2 (Katipunan Ave.) via Aurora Blvd.
T340 Bel-Air – Washington
T341 Brgy. North Bay Boulevard – Pier South via Road 10
T342 Divisoria – Pier South via Delpan
T343 Kalentong/Romualdez – San Juan Via Little B
T344 Kayamanan C – Washington
T345 L. Guinto – Zobel Roxas via Paco Market
T346 Pier South – San Andres
T347 Blumentritt – Libertad via Quiapo,Mabini
T348 Blumentritt – Pier South via Sta. Cruz
T349 Brgy. Bagong Silangan – Marcos Ave. Sampaguita
T350 Dapitan – Delos Reyes/P. Campa via Andalucia/Laong Laan
T351 Kamuning – Vito Cruz via E. Rodriguez, A. Mabini
T409 Alabang – Muntinlupa (Bilibid Prison)
T409 Alabang – Muntinlupa (Bilibid Prison) via Katarungan Village
T410 Alabang – Bagumbayan via Bicutan FTI SSH Loop
Maaaring mag-operate ang mga roadworthy traditional PUJs na mayroong valid Personal Passenger Insurance Policy sa mga rutang ito ng walang SPECIAL PERMIT subalit dapat kumuha ng QR Code.
Pinapaalala naman ng ahensya na walang taas-pasahe na ipatutupad maliban na lang kung opisyal na inilahad at inaprubahan ng LTFRB.
Kabilang din sa mga requirements para mag-operate ang Traditional PUJs ay ang pagsunod sa safety measures alinsunod sa mga alintuntunin ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) tulad ng pagsusuri sa body temperature, pagsusuot ng face mask/shield at gloves sa lahat ng oras, at ang mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing sa loob ng mga sasakyan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: