Free public wi-fi sa Las Pinas,lumarga na

Free public wi-fi sa Las Pinas,lumarga na

Magkakaroon na ri ng access sa libreng internet ang mga estudyanteng taga-Las Pinas partikular ang mga estudyante at guro matapos simulan ng lead agency contractors ang installation ng “free public wi-fi” sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Ito ay makaraang pumasok sa isang partnership sina Las Pinas City Mayor Mel Aguilar, City Council sa pamumuno ni Vice Mayor April Aguilar-Nery at ang Department of Information and Communications Technology (DICT).
Nitong Septyembre 10, nang simulan ang unang phase ng installations o pagkakabit ng free wi-fi sa mga sumusunod na paaralan. Kabilang dito ang:
– Las Pinas National Senior High-Don Jose Campus,
– Las PInas National High School-Almanza,
– TS Cruz High School,
– Almanza Elementary School-TS Cruz Annex,
– Pilar Village Elementary School,
– Moonwalk Elementary School,
– Moonwalk Elementary School-Mikesell Annex,
– Ilaya Elementary School,
– Las Piñas National High School-Gatchalian,
– Gatchalian Elementary School,
– Las Piñas North National High School,
– Vergonville Elementary School,
– CAA National High School-Annex,
– Captain Albert Aguilar National High School at
– CAA Elementary School-Annex.
Mahigit 100,000 mag-aaral at  4,000 guro ang makikinabang po sa libreng Wi-Fi na malaking tulong sa online/distance learning ng mga ito, sa ilalim ng Blended Learning program ng Department of Education (DepEd) ngayong panahon ng pandemya.
Bukod sa pampublikong paaralan,target na malagyan din ng free Wi-Fi ang mga ospital,himpilan ng pulisya,state universities and colleges, at terminal ng pampublikong sasakyan upang maka-access ng libreng internet ang publiko na isa sa mga mahalagang alternatibong komunikasyon sa kasalukuyan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: