Quarantine protocol violators, maisusumbong na sa FB Page

Quarantine protocol violators, maisusumbong na sa FB Page

MAAARI nang idaan sa social media ang pagsusuplong sa mga lumalabag sa ipinatutupad na quarantine protocols dahil sa COVID 19 pandemic.
Ito ay makaraang gumawa ang Joint Task Force (JTF) COVID Shield ng Facebook page kung saan maaaring iparating ang mga sumbong.
Ayon kay JTF COVID Shield head Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, mas magiging madali na ang pag-rereport ng netizen sa mga nakikitang lumalabag sa mga ipinatutupad na regulasyon.
“I- tag niyo lamang po ang Covid Shield Facebook page sa mga larawan at mga video na inyong nakuhanan ng mga violations ng quarantine rules,” saad ni Eleazar.
Maaari rin anyang magpadala ng mga larawan o videos sa pamamagitan ng kanilang messenger.
“The fight to protect yourself, your family your community, and our country from COVID19 is a responsibility of every Filipino. Let us work together,” diin ni Eleazer.
“We will see to it, wala kamig aabusuhin at kung meron mang aabuso, mananagot sa amin,” tiniyak pa ng opisyal.

Leave a Reply

%d bloggers like this: