San Miguel Corporation, magtatayo ng 500-bed hospital

San Miguel Corporation, magtatayo ng 500-bed hospital

MAGTATAYO ang Business tycoon na si Ramon Ang ng state-of-the-art na 500-bed hospital bilang bahagi ng proyekto ng RSA Foundation.
Layun nito na matulungan ang Filipino sa pagtugon sa pangangailangan sa kalusugan kasunod ng Covid 19 pandemic.
“This pandemic has been an eye-opener for all of us. Our healthcare system needs to be strengthened. For this reason, we want to help build up our country’s capability to handle future pandemics and other health crises,” saad ni Ang, pangulo at controlling shareholder ng San Miguel Corporation
“We envision this hospital to be resilient and adaptable. It will operate efficiently, improve health services, and make health care more accessible and affordable to a greater number of Filipinos,” dagdag nito.
Tiniyak ng business tycoon na ang itatayong health facility ay magbibigay serbisyo sa ambulatory patients at kayang mag-operate sa panahon ng krisis.
Bukod dito, magkakaroon din ang pagamutan ng research center para sa mga pangangailangan sa public health partikular ang infectious diseases.
Pansamantalang hindi tinukoy ang lokasyon ng itatayong pagamutan na inaasahang makatutulong din sa ekonomiya dahil sa mabibigyang mga trabaho.

Leave a Reply

%d bloggers like this: