Pagbubukas ng mga hotels, motels sa Maynila, inaasahan

Pagbubukas ng mga hotels, motels sa Maynila, inaasahan

TARGET na rin ni Manila City Mayor Isko Moreno na pabuksan ang mga hotel at motels sa lungsod ngunit hinihintay pa ang go-signal buhat sa Department of Tourism (DOT) upang makatulong sa pagpapanumbalik sa ekonomiya ng siyudad.
     “Yung announcement po ni (DOT) Sec. Berna (Bernadette Romulo-Puyat) na siguro by October 1 malalaman natin kung bubuksan na ba ang mga 5-star and 4-star hotel,” ayon kay Moreno sa panayam ng DZRH radio.
     Matatandaan na pinayagan na nitong Setyembre 10 ang pagbubukas ng mga hotels ngunit hindi pa nagpalabas ng eksaktong petsa kung kailan ito ipatutupad.  Sinabi ni Berna na maglalabas sila ng panuntunan para sa mas malinaw na mga detalye ukol dito.
     Habang hindi naman umano nagpa-function ang mga hotel, nakabukas naman ang kanilang mga restaurant na maaaring tumanggap ng kustomer at maaari ring sumali sa programa ng Manila City Hall na Manila Restaurant Week sa darating na Setyembre 20 hanggang Setyembre 27.
     “Sa mga tutungo po sa Manila welcome po tayo, pero mag-iingat po kayo, mayroon pa ring COVID sa Maynila, we would have to discipline ourselves,” paalala ni Moreno.
     Layon nitong palakasin ang mga negosyo at bumalik ang mga kustomer. Sinabi ni Moreno na magbibigay ang mga kalahok na restoran ng mga diskuwento at mga freebies sa mga kustomer.
     Samantala, patuloy namang ginagamit bilang dormitoryo ng mga health workers at quarantine facility ng mga COVID patients ang mga motel sa Sta. Mesa at Quirino Avenue sa Malate.

Leave a Reply

%d bloggers like this: