Paglalagay ng cell towers sa military camps, pinabubusisi sa Senado

Paglalagay ng cell towers sa military camps, pinabubusisi sa Senado

ISINUSULONG ni Senador Risa Hontiveros ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa kasunduang pinasok ng Department of National Defense (DND) kaugnay sa pagtatayo ng Dito Telecommunity Corporation ng mga palisidad sa mga military base ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Iginiit ni Hontiveros na panahon na upang aksyunang kumite ang inihain nitong Senate Resolution 137 upang mabusisi ang kontrata.
“Nagpapasakop ba tayo? Ang isang China-owned telco sa kampo ng sarili nating militar ay lubos na kaduda-duda, lalo na at ang Tsina ay hindi humihinto sa agresibong pag-angkin sa West Philippine Sea, pagsira sa ating likas-yaman, at pag-abuso sa mga mangingisdang Pilipino,” saad ni Hontiveros.
“Kailangan mabusisi ang kasunduang ito kasi mahirap paniwalaan na walang pansariling interes ang Tsina sa pagtayo nito ng cell sites sa sarili mismo nating military camps. Wala bang ibang cell sites? Bakit kailangan sa military bases? It’s as if the Chinese state itself is present within our military camps. Our national security is at risk here,” dagdag ng senador.
Ipinaalala ni Hontiveros na alinsunod sa Article 7 ng Chinese National Intelligence Law ang mga Chinese corporations ay obligadong suportahan ang kanilang intelligence-gathering efforts.
Iginiit ng senador na dapat magsilbi itong warning signal sa DND at dapat matiyak na hindi nalalagay sa alanganin ang seguridad ng bansa.
“Nabahala nga ang mga defense officials natin sa mga POGOs na malapit sa military bases, hindi ba dapat mas mabahala tayo sa isang China-backed telco sa loob mismo ng mga kampo? It should have been common sense not to allow this,” diin ng senador.

Leave a Reply

%d bloggers like this: