PAL may P688 promo fares

PAL may P688 promo fares

INILUNSAD ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang promo na tinawag na “Septmber Deals” na itinakda sa P688 na lamang ang base fare ng one-way domestic flights sa iba’t ibang destinasyon sa bansa.
     Layon ng promo na mapasigla muli ang industriya ng turismo at mapataas ang bilang ng mga pasahero.
     Sa kanilang advisory, inihayag ng PAL na kabilang sa promo ang US$99 para sa round trip international tickets sa mga bibiyahe mula Nobyembre 1, 2020 hanggang Mayo 31, 2021.
     Ang promotional deals ay maaari lamang ma-avail umpisa nitong Setyembre 14 hangang Setyembre 20, 2020.
     Tiniyak naman ng PAL na nagpapatupad sila ng mga mahigpit na panuntunan kung saan hinihiling sa mga pasahero na sumunod sa ilang kundisyon bago sila mapayagang makasampa ng eroplano para sa kanilang biyahe.

Leave a Reply

%d bloggers like this: