Shuttle service giit sa mga malalaking kumpanya

Shuttle service giit sa mga malalaking kumpanya

INATASAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) na magbigay ‘shuttle service’ para sa kanilang mga empleyado ang mga malalaking kumpanya na nasa loob ng mga ‘special economic zones’ sa bansa.
     Sa nilalaman ng DTI-DOLE Joint Memorandum Circular (JMC) No. 2020-4-A, pasok dito ang mga kumpanya na may kabuuang halaga ng asset sa P100 milyon.
     “Large-sized private establishments with total assets above Php100,000,000.00 located inside special economic zones and other areas under the jurisdiction of Investment Promotion Agencies are required to provide shuttle services for their employees,” ayon sa memorandum.
     Ngunit kung hindi kayang tustusan ito, maaaring naman umano na magpatupad ng ibang pamamaraan ang mga kumpanya tulad ng pagsagot sa bahagi ng pamasahe o kaya ay pagbibigay ng vouchers para sa TNVS (Transport Network Vehicle Service) ng mga empleyado.
     Maaari ring umarkila ang mga kumpanya ng mga pampublikong sasakyan para maghatid sa kanilang mga empleyado, ayon sa memorandum.
     Puwede na rin umanong makabalik ang mga empleyado na kabilang sa Most-at-Risk Population (MARP) at nasa pagitan ng edad 18-21 taong gulang at magtrabaho ng hanggang walong oras kung makakuha ng ‘medical certificate’ at pumasa sa ‘fit to work examination’.
     Ngunit mas inirerekomenda ng memorandum na bigyan na lang sila ng ‘work from home arrangement’ upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: