ATM at online banking ng BPI, hindi magagamit sa weekend

ATM at online banking ng BPI, hindi magagamit sa weekend

KINUMPIRMA ng Bank of the Philippine Islands (BPI) na ilang serbisyo nila ang pansamantalang hindi magagamit ng kanilang mga kliyente sa September 18 hanggang 19 dahil sa system maintenance.
Itinakda nag system maintenance mula alas-10 ng gabi ng Sept. 18 (Friday) hanggang 11:59 p.m. ng Sept. 19 (Saturday).
Kabilang sa hindi magagamit ng BPI clients sa panahon ng maintenance, ang online banking, mobile app, BizLink platform, automated teller machines (ATMs), cash accept machines (CAMs), debit services at branch banking (mula Sept. 19 hanggang 20).
Dahil dito, hinikayat ng BPI ang kanilang mga kliyente na gawin na nang mas maaga ang kanilang mga transaksyon tulad ng pagbabayad ng bills at loans funds transfers, CAM deposits, at ATM withdrawals.
Maaari namang magamit ang Credit card at prepaid card services.
“We encourage you to do your weekend transactions such as bills and loans payments, funds transfers, CAM deposits, and ATM withdrawals ahead of our scheduled systems maintenance,” paliwanag ng BPI.

Leave a Reply

%d bloggers like this: