Kakarampot na bawas-singil, ipatutupad ng Maynilad, Manila Water

Kakarampot na bawas-singil, ipatutupad ng Maynilad, Manila Water

KAKARAMPOT na tapyas sa kanilang singil sa water bills ang ipatutupad ng Maynilad at Manila Water umpisa sa Oktubre 1, ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

 

Ito ay makaraang aprubahan ng MWSS Board of Trustees (BOT) ang rekomendasyon para ipatupad ang 2020 fourth quarter foreign currency differential adjustment (FCDA).

 

Ang FCDA ang mekanismo na nagbabantay sa pagkalugi o pagkita buhat sa ‘foreign exchange’ buhat sa mga loans ng MWSS at ng dalawang pribadong concessionaire.

 

Magpapatupad ang Manila Water ng -1.17% FCDA o katumbas ng P.33 kada cubic meter na pagbabawas sa singil nila na P28.52 basic charge kada cubic meter.

 

Ang mga konsyumer na komukonsumo ng 30 cubic meters kada buwan ay magkakaroon ng P3.52 bawas sa kanilang bill.

 

Magpapatupad naman ang Maynilad ng 0.26% FCDA o katumbas lamang ng P0.09 kada cubic meter. Itatapyas ito sa P36.24 basic charge ng Maynilad kada cubic meter.

 

Ang mga kustomer ng Maynilad na may konsumo ng 30 cubic meters kada buwan ay magkakaroon lamang ng P.50 tapyas sa kanilang water bill.

Leave a Reply

%d bloggers like this: