Manila Restaurant Week, nag-umpisa na

Manila Restaurant Week, nag-umpisa na

NASA 81 mga malalaki at maliliit na Restaurant sa Maynila ang nagpartisipa sa programa ni Manila Mayor Isko Moreno na “Manila Restaurant Week” na layong pasiglahin muli ang negosyo sa lungsod.

 

Inilunsad ang programa sa apat na magkakahiwalay na lugar: sa Manila Hotel, Manila Bayleaf Hotel, Lucky China Town Mall at Robinson’s Plaza Mall.

 

Inikot naman ni Manila City Mayor Isko Moreno ang lahat ng venue bilang pagpapakita ng suporta sa mga restoran na nakilahok.  Kasama ni Moreno si international singer Lea Salonga na umawit ng tema ng programa.

 

Sinabi ng alkalde na isasagawa ang Manila Restaurant Week mula Setyembre 20 hanggang 27 at  idaraos na sa loob ng walong araw kada buwan, hanggang sa tuluyan nang bumalik sa normal ang lahat.

 

Bukod sa mga malalaki at kilala nang restoran, layon rin ng programa na maipakilala ang mga mas maliliit na restoran na tinaguriang mga “hidden gems” sa lungsod ng Maynila.

 

Nagbibigay ang mga restoran na kalahok ng mga diskuwento at mga freebies sa mga masusuwerteng kustomer.  Ngunit kailangan pa rin ng ibayong ingat habang kumakain at kailagang sumunod sa mga health protocols ng pamahalaan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: