Mga tindero ng 17 palengke sa Maynila, ipapa-swab test

Mga tindero ng 17 palengke sa Maynila, ipapa-swab test

PARA makatiyak na ligtas na mamili ang mga konsyumer, nakatakdang ipasailalim sa ‘swab testing’ ang mga vendors ng 17 pampublikong palengke sa Maynila sa pagbubukas ng ikalawang RT-PCR molecular laboratory sa Sta. Ana Hospital.

 

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na kailangang maisailalim sa swab testing ang mga vendors upang matiyak na ligtas mula sa COVID-19 ang mga namimili sa mga palengke.

 

“Sa ayaw at gusto natin pupuntahan talaga ang mga palegnke kung bibili sila ng pagkain,” ayon sa alkalde.

 

“Bibigyan natin ng kapanatagan ang tao, ang manininda at higit sa lahat, yung mga mamimili,” dagdag niya.

 

Sinabi pa ng alkalde na inatasan na niya sina Manila Health Department director Dr. Arnold Pangan, Sta. Ana Hospital director Dr. Grace Padilla, at Market Administrator Zenaida Mapoy na gawing prayoridad ang mga vendors sa isasagawang swab tests.

 

“We test them so we can guarantee the people that those selling inside our markets are safe individuals. Sila ang una nating kliyente. Unahin natin lahat sa palengke. Matutuwa pa ang vendor, hindi gagastos ng P4,000, makakatipid na sila, panatag na sila, ‘yung consumer natin panatag din,” anang alkalde.

 

Isusunod naman ng MHD ang mga tsuper ng pedicab, tricycle, at jeepneys; pati ang mga matansero o meat butchers.

Leave a Reply

%d bloggers like this: