Trabaho ibibigay ni VP Leni Robredo, DILG

Trabaho ibibigay ni VP Leni Robredo, DILG

SA kabila ng limitasyon sa pondo, magbibigay ang Office of the Vice President ng aabot sa 6,000 trabaho para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at mga lokal na manggagawa na nawalan ng trabaho ngayong pandemya.

Sinabi ni Vice President Leni Robredo na nasa kabuuang 6,450 trabaho ang iniaalok ngayon sa pakikipagtulungan ng kaniyang tanggapan sa website na Sikap.PH.

Tinawag ang programa na “Bayanihanapbuhay” para makatulong sa mga nawalan ng trabaho ngayong panahon ng krisis.

“For those who are looking for a job, please visit our site sikap.ph. You can apply directly on the site. Just follow the instructions,” ayon kay Robredo sa kaniyang Facebook post.

Kabilang sa mga posisyon na pupunan ang: aircon technicians, staff nurses, automotive mechanic, forklift operator, industrial electrician, financial advisor, digital marketing manager, at business development associates.

Samantala, gagawin ring prayoridad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga OFWs at nawalan ng trabaho sa bubuksang 50,000 posisyon bilang contact tracers ng pamahalaan.

Sinabi ni Secretary Eduardo Año na 9,600 contact tracers ang kailangan sa Metro Manila, 5,992 sa Central Luzon at 5,810 sa Southern Tagalog.

Kailangan pa naman umano na magsanay ang mga kuwalipikadong aplikante bago maitalaga sa kanilang assignments.

Leave a Reply

%d bloggers like this: