95.7% ng 2020 Budget nailabas na nitong Agosto

95.7% ng 2020 Budget nailabas na nitong Agosto

PAUBOS na ang budget ng Pilipinas makaraang ihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na 95.7% ng 2020 national budget ay nailabas na nitong katapusan ng Agosto.
Sinabi ng DBM na P3.92 trilyon ng P4.10 trilyong 2020 natioanl budget ang nailabas na sa unang walong buwan ng kasalukuyang taon.
Nangangahulugan na mayroon na lamang balanseng P221.38-bilyong natitira sa budget ngayong taon
Malaking bulto nito na aabot sa P2.13 trilyon ang nailabas para sa mga programa, aktibidad, at proyekto ng mga line agencies.
Napakapaglabas na rin ang DBM ng P297.40 bilyon para sa Special Purpose Funds (SPFs) ng pamahalaan na nakaprograma sa halagang P491.42 bilyon.
Ang SPF ay alokasyon sa ilalim ng pondo ng pamahalaan bilang ‘budgetary support’ sa mga korporasyon ng pamahalaan, alokasyon sa mga lokal na pamahalaan, Contingent Fund, Miscellaneous Personal Benefits Fund, National Disaster Risk Reduction and Management Fund at Pension and Gratuity Fund.
Nagkakahalaga naman ang inilabas na pondo para sa ‘automatic appropriations’ sa P1.27 trilyon.
Sa kabila nito, tiniyak ng DBM na ilalabas nila ang kaukulang pangangailangang pondo para sa implementasyon ng panukalang Bayanihan to Recover as One Act sa oras na ganap itong maging batas.

Leave a Reply

%d bloggers like this: