Bike-facilities sa SM malls, itinayo

Bike-facilities sa SM malls, itinayo

UPANG hikayatin pa ang maraming Pilipino na magbisikleta na lamang, maglalagay ng mga pasilidad para sa mga bisikleta ang mga sangay ng SM Malls.
“In light with this change, SM has decided to transform its malls to bike-friendly establishments to support and promote a culture of cycling,” ayon sa kumpanya.
Kabilang sa mga itatayo ng SM sa kanilang mga malls ang mas malaking mga “bike parking areas” kung saan maaaring mai-lock ang mga bisikleta, repair stations, helmet depository, bike supply at maging ‘refreshment areas’ malapit sa bike parking.
Bukod dito, naglagay na rin ng mga ‘bike lanes’ at mga bike signs para gabayan ang mga siklista.
Ang bike repair station naman ay may “bike stand, floor pump para sa mga lumalambot na gulong at mga tools na magagamit ng mga siklista ng libre.
Una nang itinayo ang mga ito sa SM Mall of Asia at isusunod ang ibang mga sangay sa mga darating na buwan.
Kung hassle naman ang pagbibitbit ng helmet sa loob ng mall, maaaring ideposito muna ang mga ito sa “helmet depository” habang maaaring makabili ng sa “bike vendo machines” ng “tire interiors, lights, blinkers, bike locks, repair kits, tire kits, hand wipes, ponchos, gloves at multitools”.

Leave a Reply

%d bloggers like this: