Comic Quest sa SM Megamall, nagsara na

Comic Quest sa SM Megamall, nagsara na

MATAPOS ang 35 taon na pagpapasaya sa mga ‘comic lovers’, tuluyan nang nagsara ang paboritong Comic Quest shop sa loob ng SM Megamall dahil sa mga problemang idinulot ng COVID-19 pandemic.
Inihayag ng Comic Quest ang kanilang pagsasara at pagdaraos ng kanilang “farewell sale” mula Setyembre 16 hanggang Oktubre sa kanilang Facebook page.
“It has been a long and amazing road, from our earliest days in our first branch at BF Homes in Alabang, to Greenhills to Makati to multiple branches as far away as SM Cebu. But now the time has come to say goodbye, and let all of you know how much we appreciate being given the chance to be part of the comic book industry,” ayon sa Comic Quest.
Idinahilan nila sa pagsasara ang magkahalong problema sa pandemya at pagkaantala ng distribusyon ng mga comic books sa mundo.
“We want to thank each and every one of you for being one of our valuable loyal customers and a very important member of the Comic Quest family. We wouldn’t have reached 35 wonderful years in business without loyal customers like you. Our sincerest and most heartfelt thanks for being with us through all these years,” pasasalamat nito sa kanilang mga suking comic lovers.
Ibababa ng Comic Quest ang presyo ng kanilang mga comic items ng 50% pataas upang makabili ng kanilang inaasam na series ng kanilang paboritong karakter ang mga suki– mula sa mga DC Heroes tulad nina Superman, Wonderwoman, Batman; Marvel heroes tulad nina Ironman, Spiderman, Hulk at iba pa.
Hiniling rin ng Comic Quest na ipakalat ang balita sa mga kapwa comic enthusiasts para makolekta na ang target na komiks.
“While our time in this wonderful industry comes to an end, we’re wishing you many more years of happy collecting! And in the words of the great Stan Lee- Excelsior!” dagdag pa ng kumpanya.

Leave a Reply

%d bloggers like this: