Pamilyang Pilipino isa sa pinaka-naghirap sa Southeast Asia

Pamilyang Pilipino isa sa pinaka-naghirap sa Southeast Asia

KABILANG ang mga pamilyang Pilipino sa mga pinakaapektado at naghirap dahil sa epekto ng pandemya sa mga bansa sa Southeast Asia, base sa pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB).
Bukod sa Pilipinas, kabilang sa mga bansang isinailalim sa survey ng ADB ang Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Thailand, at Vietnam.
Nabatid na 84% ng mga pamilya sa Pilipinas ay nagsabi na lumiit ang kanilang kinikita dahil sa COVID-19.  Ito ang pinakamalala sa Southeast Asia kasunod ang Indonesia sa 81% at Myanmar sa 78%.
Sa bawat pamilyang Pilipino, may isang miyembro nila ang nawalan ng trabaho o kaya naman ay bumaba ang oras ng pagtatrabaho ng 73.5%.
Tumutugma ito sa survey ng Philippine Statistcis Authority nitong Hulyo na may 4.6 milyong adult na Pilipino ang walang trabaho.
Ito ay resulta ng pinakamahaba at pinakamahigpti na lockdown na inumpisahan noong Marso hanggang Hunyo na inumpisahang luwagan na lamang nitong buwan ng Agosto.
“Many governments had very strict measures like lockdowns, but it turned out those across-the-board measures are very counterproductive,” ayon kay ADB Institute Dean Tetsushi Sonobe.
Sa halip na lockdowns, kailangan umano ang mas targeted na pagtingin para malabanan ang virus.  Kabilang dito ang mas maraming testings at pagpapakalat ng tamang impormasyon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: