“Staggered working hours” ng mga kumpanya, ipatupad

“Staggered working hours” ng mga kumpanya, ipatupad

PARA hindi magkasabay-sabay sa pagpasok at magsiksikan sa mga sasakyan, hinikayat ng isang opisyal ng Philippine College of Physician (PCP) ang pamahalaan na magpatupad ng ‘staggered’ na pagbubukas ng mga negosyo para malabanan ang pagkalat pa ng COVID-19.
Sinabi ni Dr. Maricar Limpin, vice-president ng PCP na maaaring pakiusapan ng pamahalaan ang mga negosyo na huwag magsabay-sabay ng pagbubukas o oras ng trabaho para maiwasan ang tinatawag na “rush hours”.
Sa pamamagitan nito, makakaya rin umanong maipatupad ang isang metrong physical distancing sa mga pampublikong sasakyan dahil sa mas kakaunti ang pasahero sa bawat oras.  Maaari umano na hindi na rin ipatupad ang pagbabawas sa physical distancing sa .75 metro.
“Ang importante po na kapag sumakay ng isang sasakyan ang isang tao, kailangang masiguro natin na ang mga commuters ay safe and healthy,” ayon kay Limpin.
Pinaalalahanan naman ng grupo ang mga pasahero na maging ibayo pa rin ang pag-iingat at maging disiplinado lalo para maiwasan na sila naman at kanilang pamilya ang mahawa ng virus.

Leave a Reply

%d bloggers like this: