Trabaho sa call center iniaalok sa mga tourism workers

Trabaho sa call center iniaalok sa mga tourism workers

MULA sa industriya ng turismo, iniaalok ngayon ng Department of Tourism (DOT) sa mga tourism workers nanawalan ng trabaho dahil sa pandemya ang nasa 10,000 slots sa call center industry.
Ito ay makaraang makipagkasunod ang DOT sa isang BPO company (business processing outsourcing) para masagip sa kahirapan ngayon ang mga tourism workers.
Kabilang sa mga posisyon na iniaalok ay ang: “customer service representatives, tech support, supervisors, or managers.”
Isasagawa ang “virtual job fair” ng DOT sa mga petsa:
Luzon – September 22, 24, 29, and October 1
Visayas – September 17, 18, and October 1
Mindanao – September 15 and 16
Maaaring magparehistro ang mga aplikante sa facebook page ng DOT.  Maaari rin umanong mag-aplay dito maging ang mga tourism workers na “high school graduates” lamang.

Leave a Reply

%d bloggers like this: