7 Commandments sa pampublikong sasakyan, alamin

7 Commandments sa pampublikong sasakyan, alamin

MAY sariling ‘7 commandments’ na rin ngayon na dapat sundin ang mga pasahero at mga may-ari ng mga pampublikong sasakyan para higit na makaiwas sa COVID-19.
Binuo ang naturang mga kautusan ng isang grupo ng mga eksperto sa kalusugan sa pangunguna ni dating Health Secretary Dr. Manuel Dayrit.
Nakasaad sa kautusan ang: una, palagiang pagsusuot ng ‘anti-virus mask.  May anim na beses umano itong proteksyon kumpara sa mga hindi nagsusuot nito.
Ikalawa, ang pagsusuot ng face shield na may tatlong beses na proteksyon; ikatlo ang hindi pagsasalita at pagkain habang nasa sasakyan upang hindi kumalat ang “respiratory droplets” buhat sa mga bibig at ilong.
Ikaapat, ang pagtiyak na may maayos na bentilasyon ang sasakyan sa pamamagitan ng pagbukas ng mga bintana para mapalabas ang virus; ikalima ang palagiang ‘disinfection’ sa mga sasakyan; ikaanim, ang pag–iwas ng mga pasahero na may masamang pakiramdam na bumiyahe.
At ikapito, ang pagsunod sa ‘physical distancing’ kung saan sinabi ni Dayrit na maaari naman na mas bumaba ito sa isang metro kung masusunod ang laaht ng nakatala sa kanilang kautusan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: