DTI: Walang pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa Kapaskuhan

DTI: Walang pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa Kapaskuhan

TALIWAS sa mga nakaraang taon, walang inaasahang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing produkto ang Department of Trade and Industry (DTI) sa nalalapit na Kapaskuhan.

“Yun demand mahina naman kaya ‘di natin inaasahang tataas ang mga presyo ngayon Kapaskuhang ito,” paliwanag ni DTI Secretary Ramon Lopez.

Tiniyak di ng kalihim na maglalabas ang mga kumpanya ng suggested retail price (SRP) ng mga Christmas products para maging gabay ng mamimili.

“Sana nga lang hindi naman sumobrang bagal yung demand. Ito ang kailangan ng mga negosyo ngayon, sana ang mga kababayan natin mamili pa rin ng mamili,” saad ng opisyal.

Ayon kay Lopez, hirap pa ring makarekober ang mga negosyong naipasara dahil sa pandemya.

“Yung mga bagong bukas, ibig sabihin yung mga dating isinara like the restaurants o kaya yung mga iba sa manufacturing yung mga non-essential, medyo struggling hindi pa kaagad bumalik yung pre-COVID na volume nila. Ang range siguro 20 to 40 percent lamang nag-aadjust pa,” sabi ni Lopez.

Inihayag pa nito na ang food manufacturing, dahil essential ay maganda at tuloy-tuloy ang negosyo.

“May mga sektor na tinamaan talaga nitong COVID pandemic lalo na nung mga lockdown at may sektor na lumaki pa rin,” diin pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: