P2 bilyon sa 2021 budget ng Department of Tourism, gagastusin sa promosyon ng tourist sites

P2 bilyon sa 2021 budget ng Department of Tourism, gagastusin sa promosyon ng tourist sites

HIGIT sa kalahati ng panukalang pondo ng Department of Tourism (DOT) para sa 2021 ang ibubuhos ng ahensya sa promosyon at marketing ng sektor ng turismo para mapabalik ang sigla at tiwala ng mga turista sa mga tourist destinations sa bansa.
Nabatid na nasa P3.78 bilyon ang panukalang pondo ng DOT para sa 2021 kung saan P2 bilyon o 53.4% nito ay gagamitin sa ‘marketing, promotion, branding, at product development program’ ng mga tourist destination sa bansa.
“The allocation is intended to meet the need to develop and recalibrate tourism products for the new normal,” ayon kay DOT spokesperson at Undersecretary for Tourism Development Planning Benito Bengzon Jr.
May P153.5 milyon ang inilaan sa pagsasanay ng mga tourism personnel ng mga LGU habang P12.4 milyon ang inilaan para sa ‘standards development and enforcement program’ kung saan magsasagawa ng inspeksyon sa 4,273 establisimiyento.
Lalaanan naman ng P230 milyong pondo ang National Parks Development Committee at P90.3 milyon para sa Intramuros Administration.
Nais rin ng DOT na makabalik sa trabaho ang nasa 5.7 milyong Pilipino na naapektuhan ng pandemya at makabangon ang mga ‘micro, small at medium enterprises’.

Leave a Reply

%d bloggers like this: