Smuggling ng sigarilyo, tuloy pa rin

Smuggling ng sigarilyo, tuloy pa rin

PATULOY pa rin ang operasyon ng mga smugglers ng sigarilyo sa Pilipinas makaraan na may P60 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang pinakahuling nasabat sa Port of Subic.
Sa ulat ng Bureau of Customs, Setyembre 5 at 6 nang dumating sa Port of Subic ang kargamento na naka-consign sa BWFIC Trading na idineklarang naglalaman ng ‘steel wire mesh’ mula sa China.
Dahil sa nakataas ang Alert Order laban sa shipment, isinailalim sa inspeksyon ang kargamento kung saan nadiskubre na sa halip na mga steel wire mesh ay naglalaman ito ng kahon-kahong sigarilyo na may brand na Union at D&B at nagkakahalaga ng P60 milyon.
Isinagawa ang eksaminasyon nitong Setyembre 15 nina District Collector Maritess Martin, mga kinatawan ng Philip Morris Fortune Tobacco Corp., Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine Coast Guard (PCG).
Nakatakdang sampahan ngayon ang consignee ng kontrabando ng kasong paglabag sa Section 1113 at Section 1400 (Misdeclaration) ng Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Leave a Reply

%d bloggers like this: