100% Balik-Pasada iginiit sa DOTr

100% Balik-Pasada iginiit sa DOTr

IGINIIT kahapon ng isang mambabatas sa Department of Transportation (DOTr) na ipatupad na ang 100 porsyento ng pagbabalik-pasada ng lahat ng mga pampublikong sasakyan para mas epektibong maserbisyuhan ang mga pasahero habang nagpapatupad ng isang metrong physical distancing.
      “DOTr should finally listen to the public and PUV drivers’ demand for 100% balik-pasada for jeepneys from the current 45 percent, as it is a safer mode of transport compared to modern PUVs and other enclosed transport systems”, ayon kay Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas.
      Bukod dito, dapat ring mas dagdagan pa umano ng DOTr ang mga bumibiyaheng tren para hindi magsiksikan ang mga pasahero at magkahawahan ng virus.
     Kasunod nito, iginiit ng mambabatas na magbigay ng “public apology” si Transportation Secretary Arthur Tugade dahil sa paiba-ibang polisiya sa physical distancing na naglagay umano sa panganib sa kalusugan ng mga pasahero.
     “The DOTr Secretary should issue a public apology for creating confusion and endangering people’s lives over physical distancing rules in public transport systems”, pahayag ni Brosas.
      Ito ay matapos na mag-isyu ang DOTr ng 0.75 metrong social distancing na muling ibinalik sa isang metro matapos na ulanin ng batikos at pagkontra sa mga eksperto kasabay ng nabulgar na hindi umano kinonsulta ang mga health experts ukol dito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: